Linggo, Marso 8, 2020

Usaping kultura ng Asyano

Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente sa ating mundo.  Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng mundo. Kaya naman mas marami at malaki ang matutuklasan rito.

Ang mga taong naninirahan rito o ang sakop nito ay tinatawag na mga "Asyano".

~

Usaping kultura


Ayon sa pananaliksik, Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba't ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng iba't ibang bansa, maging ang mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon na nakaugaliang tinatawag bilang isang kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang Gitnang Asya, Silangang Asya, Timog Asya , Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Sa heograpiya, ang Asya ay hindi isang namumukod tanging kontinente; sa kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang kasaysayan para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya.

Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan ng Hinduismo, Taoismo, Confucianismo, Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng mga ito ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na mga bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga kulturang nakaugalian nito.

Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba’t ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon, na nakaugaliang tinatawag bilang isang kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin…

Kung sariling bansa ang ating tatalakayin ukol rito, Ilan sa mga minana natin ay ang panitikan.

Panitikan, ito'y ilan sa mga minanang hiyas na nagsisilbing tulay na kumokonekta sa atin sa iba't ibang mga kultura ng mga bansa sa buong daigdig

Sa paglipas pa ng mga panahon, unti-unti namulat ang ating kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang Asyano sa daigdig at ilan sa mga ito ay ang mga sanaysay,maikling kwento,alamat,pabula at marami pang iba na sa kasalukuyang panahon ay patuloy parin napag aaralan
At nabibigyang pansin at halaga, mapa bata man o matanda.

Ang Asya ang nakapagbigay ng malaking ambag sa daigdig ng panitikan sa Pilipinas,sa masaklaw na paglalarawan at paglalahad.

Kung ating mas tutuklasin ang naging impluwensiya ng Panitikang Asyano sa ating mga Pilipino,masasabing hinulma nito ang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan at pagkabuo ng ibang kultura sa ating bansa na naging mahalagang yaman sa ating bansa.

Atin namang alaming mabuti ang ilan sa pagkakahalintulad at pagkakaiba ng ating bansa kumapara sa nasabi

Pagkakahalintulad:

> pinagmulan ng mga wika, dayalekto, lenggwahe't mga hiram na salita
> mga minanang kultura't tradisyon mula sa mga bansang pinaghahambingan

Sakabila ng napakaraming impluwensiya ng mga Asyano sa kulturang Pilipino, nanatili pa rin ang taglay at natatanging kakanyahan natin bilang mga Pilipino, tulad ng pagpapahalaga sa saloobin at pag-uugali ng isangkatutubong Pilipino sa isip, salita, at kilos.

Pagkakaiba:

> hindi pananakop ng ibang nasyon o bayan
> pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan bilang isang bansa at naging unang republika sa Asya


Bago pa man dumating ang mga kanluranin ay mayroon na tayong ugnayan sa Hapon, India, Tsina at Arabia, at nagaganap ang pakikipag-ugnayang ito sa pamamagitan ng kalakalan, paninirahan at pakikipag-isa.

Dahil dito, maraming mga impluwensiya o minanang kultura natin ngayon ang nakaaapekto sa ating pamumuhay at kultura bilang mga Pilipino sa kasalukuyan.
Ilan lamang yan sa nga minana nating tulad na Asyano.


Pagdating sa kaugalian,

Isa sa mga kaugaliang patuloy na ipinamana sa mga asyano ay ang pagiging magalang at may repesto sa kahit kanino, iba't iba man ang pinagmulan o katangian ng mga ito.
Ito ay gintong pamana na itinuro ng mga dakilang ninuno.


Di maikakaila na tayo ay mayaman talaga sa kultura at ito'y nararapat lang ipagsigawan at ipagmalaki .


Ang Asya ay may iba't iba at makukulay na kinagisnan, maging sa pagkain, pananamit, pati na rin sa tirahan.

Lahat ng ito'y naisasabuhay dahil sa atin, at tayo lamang ang may kakayahang pangalagaan ang mga ito at mahalin,



Dahil ang kultura ang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Ang kultura rin ang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga pangkat. Ito ang nagpapakita ng talento na kung anong meron sa kanilang pangkat.

Mayaman at punong-puno ng kultura ang mayroon ang mga asyano. Ang lahat ng ito ay Kulturang katangi-tangi at tiyak na talagang hindi mabubura.


7 komento:

  1. Wow salamat sa iyong mga ibinahagi tungkol sa kultura ng mga Asyano magaling!!

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. Maganda ang pagkakabahagi tungkol sa kultura ng mga Asyano.

    TumugonBurahin
  5. Maganda ang mag bahagi ng kaalaman sa ibang tao. Maganda ang iyong naisip o nagawa para ibahagi sa amin ang iyong kaalam.

    TumugonBurahin
  6. Play Free Slots & Casino Games - Mapyro
    Find the 안동 출장마사지 BEST and NEWEST free 구미 출장샵 casino games at Mapyro. ✓ Enjoy 50+ free slots, blackjack, roulette & more 제주도 출장마사지 games ✓ 경기도 출장샵 Spin & 문경 출장안마 Win!

    TumugonBurahin